Pampanga: Wika, Kasaysayan at Kultura


    
Kasaysayan at Kultura

    Ang kultura ng pamumuhay sa Pampanga ay payak katulad ng sa ibang mga probinsya, ang pangunahing pamumuhay doon ay pagsasaka, industrial na gawain, pangingisda at paglikha ng dekorasyon pampasko katulad ng nagniningningang mga parol.

    Ang Pampanga ay naging sentro ng Pilipinas noon bago pa man ito naging Manila dahil ang probinsyang ito ay sagana sa mga kayamanang ekonomikal, agrikultural, pangisdaan at kagubatan. Ang Pampanga ay binubuo ng anim na munisipyo noon Bataan, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales, at Pangasinan.

    Ang Pampanga rin ang unang probinsya na ginawa ng mga Espanyol noon.




Wika

    Ang pangunahing wika na ginagamit nila ay ang wikang Kapampangan, Tagalog at sa pormal na okasyon naman ay Ingles. Ang mga natatanging salita na madalas nagagamit sa kanilang komunidad ay ang mga salitang “Pota” na sa unang rinig nyo ay aakalain ninyong nagmumura sila ngunit ang kahulugan nito sa kapampangan ay “mamaya”, at ang “tete” na nangangahulugang “tulay”

    Ang dahilan kung bakit namamayagpag pa ang rin ang Kapampangan ay dahil ginagamit pa rin ito ng mga tao sa araw-araw na pakikipag-usap. Ngunit hindi ito katulad ng Tagalog, Ingles o Bisaya na mayroong sariling pagkakakilanlan, bagkus angwikang malapit nang mamatay dahil ang ilang mga magulang ay hindi na tinuturuan ang kanilang mga anak ng salitang ito.


Kulitan

    Ang Pampanga ay may kakaibang panulat din. Kung ang Tagalog ay mayroong Baybayin, sa Pampangga naman ito ay ang Kulitan. Ito ang gamit ng mga kapampangan noong panahon ng mga Espanyol dahil ang pagsulat na ito ay impluwensiya ng mga Epanyol sa kanila.

    Ngunit sa panahon ngayon ay hindi na nila masyaong nagagamit ang Kulitan dahil na din sa ipluwensya ng ibang mga salitang banyaga.


    

Comments